Wednesday, June 23, 2010

DALAHICAN


DALAHICAN....

Noong musmos pa palaging nakatingin sa aplya
sa bawat hampas ng alon tila ba ligaya ang dala
ang alat ng karagatan ang siyang saksing buhay
ng aking kaligayahan sa panahon ng kamusmusan...
Di malilimutan ang lihim ng nakaraan,
pati sa pagpatak ng luha ang dagat and saksing buhay,
kung magngalit man ang mga alon
ito'y pakikiramay lamang sa isang batang ang naging
sandigan ay ang dagat ng DALAHICAN...
Ngunit ngayon nasaan ka na? wala na ang mga along
punong-puno ng sigla...
Nang minsan ako'y magbalik luha ko'y di maimpit
sa paano'y hinahanap ko ang dampi ng iyong init
sa mga alon mong bumubuhay sa puso kong nalulumbay
na sana'y magbalik ang lamig at init sa dalampasigang
minsang kong naging nakaramay:(

-ryan 06082010

No comments:

Post a Comment