
DIGMAAN AT ROSAS
Malakas ang buhos ng ulan
Tila ba luha ng isang babaeng nagdaramdam
Umaayon sa lamig ng pakiramdam
at naghihintay sa walang hangang kalungkutan
Kung nanaisin ko'y maibsan ang lahat ng ito
Dahil ang luha'y ko hindi hihinto
Ang pagpatak nito'y tulad ng isang bagyo
Nagngangalit na hangin takot ay di humihinto
Sa pangamba at panganib ako ay handa na
Sapagkat nasa puso at isip ko tapang ay lumabas na
Hahayo ako tulad ng isang magiting na hangin
Hahagupit sa landas mo at ikaw ay sasagipin
Hangang sa dumating ang kaligayahan
Doon mo ako makakapiling lubusan
Tagos sa laman kita'y aking hahagkan
Na sa digmaan may Rosas na naghihintay
- ryan(sa mga panahong nagpapa-antok) 061610
No comments:
Post a Comment