Monday, November 30, 2009

Online Social Neworking Site: Facebook, Twitter, atbp..

Ang internet ang sinasabing pinakamabisang tulay ng komunikasyon ng modernong panahon. Di ba nga sa isang klik mo lang ng "mouse" ay naihahatid ka ng internet sa iba't ibang dimensyon ng mundo. Sa ngayon ay usong-uso ang tinatawag na "Online Social Networking Site" tulad na lamang ng Facebook, Twitter, at mga katulad pa nito. Ang mga site na ito sa internet ang kinagigiliwan di lamang ng mga kabataan, maging ng mga may edad na din, dito ay malayang naipapahayag ang nararamdaman, ang nais iparating, nahahanap ang mga kaibigang matagal ng di nakikita. Dumadami ang kaibigang nakikilala, kung minsan pa'y natatagpuan ang pag-ibig na inaasam. Nakikita rin ang repleksyon ng iyong pagkatao o pagkakakilanlan sa sarili - depende kung anong "social networking site" ang gusto mo at kung saan ka nabibilang, pwedeng maging ang mundo ng ikatlong lahi ay may mundong angkop na maaring galawan sa internet. Masasabing ang "Online Social Networking Site ay ang pinakamalaking impluwensiya ng internet sa sangkatauhan.

Maaring sa ngayon ay ito ang pinakamahusay na paraan para maitawid natin sa karamihan ang ating mga saloobin, maaaring sa ganito ding paraan mas naipapakilala natin ang ating sarili kung ano at sino tayo. Pero sana gamitin nating ang mga paraang ito na may kalakip na responsibilidad at hindi masamang balikan din natin ang mga nakagisnang paraan ng pakikipag-kaibigan, pakikilala, at pagpapahayag ng sariling damdamin.

No comments:

Post a Comment