Ika'y naglalakbay sa masukal na daan
dapat mong tahakin daanang walang hangan
kung saan ang bakas ng nakaraan
ay di na masisilayan
Kung lumuha ka ng lubusan
sa pighating di na maiibsan
damhin ang pakikibakang sa pagsubok ay
magtagumpay
Sa pighati ng buhay akin kitang dadamayan
maglalakad sa hanganan ng kapayapaan
hangang sa ang pag-asa'y pareho nating
kamtan
No comments:
Post a Comment