
Noong nakaraang Lunes ika 23-ng Nobyembere ginulantang tayo ng kahindik-hindik na balita isang masaker ang naganap sa Mindanao, ang mga biktima grupo na susuporta lamang sa pagpa-file ng certificate of candidacy ni Esmael Mangudadatu bilang gobernador ng probinsiya ng Maguindanao sa nalalapit na pambansang halalan sa 2010. Ang sinasabing suspek ay ang mga Ampatuan (Datu Piang mayor Andal Ampatuan, Jr. / Datu Andal Ampatuan Sr., )Sinasabing ito ang pinaka-karumal dumal na election related crime naitala sa bansa.Sinasabing makahayop at di makatao ang krimeng ginawa.
Sinasabing nasa 57 na ang nakikilalang biktima, 34 sa mga ito daw ay mga mamamahayag (journalist) biktima din ang asawa ni Mangungudatu, ang kanyang dalawang kapatid na babae, mag abogado, at mga taga suporta. Lahat sila karumaldumal ang sinapit, kamatayang walang saysay, karahasan tumakip sa ating tinatamasang demokrasya.
Sa ngayon ay sama-sama nating bilangin ang mga araw hangang sa makamit nating lahat ang katarungan at muling maibalik ang dangal ng ating bansang binalot muli ng karahasan. Huwag tayong matakot na kalampagin ang gobyerno na bigyan ng mabilis na aksyon ang kagnapang ito, manalig tayo at itaguyod ang mapayapang eleksyon sa 2010. Sa mga biktima ng karahasan at sa mga mamamahayag na nagbuwis ng buhay nasa inyo ang aming mga panalangin na ang hustisya ay magliwanag. Panawagan: KATARUNGAN!
No comments:
Post a Comment