Saturday, December 19, 2009

ePLDT-Ventus SMP Christmas Party 2009 12182009



It was night of fun, camaraderie, and Friendship:)
Merry Christmas and a Prosperous New Year to ePLDT-Ventus Family:)

Friday, December 11, 2009

Sandali Lang!!! Para sa inyo To!!!


Minsan may mga panahon na para banag nakakapagod na o nakakasawa na ang paulit-ulit na takbo ng buhay. Gigising ng maaga sa umaga mag-aalmusal o kung minsa'y nga ay wala ng almusal deretso na ang pagsakay sa bus - trapik naman. Makikipagbunuan para makapasok ng maayos sa MRT - sandwich naman sa siksikan.
Pagdating sa opisina nakatambak na ang di matapos tapos na mga reports na di mo naman alam kung saan napupunta, di ba? May feedback ka bang nakukuha kung san' ang mga ito napupunta? Ako mismo hindi ko alam... ginagawa ko na lang ng buong husay. At pagkatapos nito... babalik na sa bahay... ngunit habang nasa daan giyera na naman... sa trapik... Hay nakakapagod nga talaga.

Pero para sa akin noon 'yon. Kasi mula ng dumating siya sa buhay ko nawala ang pagod ko. Di na alintana kung ano ang nadarama, basta ang mahalaga makita ko siya. Kahit takbuhin ko ang EDSA, basta mahalaga makita siya at masaya kaming magkasama.
Kasi makulay ang buhay kapag nasa piling niya. Totoo ang mga ngiti, tunay ang saya, presko sa pakiramadam ang pagniniig ng mga katawan, kahit na simpleng 'holding hands" lang. Sa ganong bagay napagbibigyan ang kalayaan ng pagmamahal... kung paano ito nagiging totoo sa pisikal na pamamaraan. Madaling sabihin na mahal kita, pero madali bang ipadama? Madaling sabihin ikaw ang mundo ko.. pero napakita mo ba sa kanya ang mundong sinasabi mo?

Pero ang alam ko mahal ko siya... at sa mga darating pang panahon, saan man ako dalhin ng mundo... gusto ko siya pa din ang mahal ko. Kasi minsan lang dumating ang ganitong mga pagkakataon... kung paano magmahal ng totoo. Lilipas ang mga araw, may mga panahong babalikan ka pa ng nakaraan, pero hamon lang naman ito sa mga tunay na nagmamahalan. Kung masaktan? Ano ngayon parte lang ito ng nagmamahal. Ang mahalaga alam mo sa sarili mo na di ka nagkukulang, nagtatapat ka lang sa nararamdaman. Alam din naman niya 'yon kung bakit ka nagkakaganyan. Minsan kasi kung minsan gusto natin daigin ang nakaraan.. pero ang totoo di natin kayang higitan 'yon.. kasi parte na lang 'yon ng nakaraan suwertehan n lang kung maibabalik pa ang lumipas na. Kaya 'wag matakot kung mas higit ang nakaraan niya sa iyo. Ang mahalaga sa ngayon ikaw ang kasama niya. Ikaw ang sandalan niya, ikaw ang karamay niya, ikaw ang kasama niya sa bawat tagumpay, kung talo ka naman asahan mo kasama mo siya para ibangon ka. Kasi ang ganyan magmahal ang kasalukuyan, kaya ang kasalukuyan huwag mo hahayaang maging parte ng nakaraan. Kung ikinukumpara ka man niya sa nakaraan, hindi ibig sabihin non na hindi siya masaya sa iyo. Gusto niya lang ikuwento sa iyo ang masasayang araw na kapiling niya ang isang nakaraan. Pero kung minsan inaalipin tayo ng selos... Natural lang 'yon.. kasi nagmamahal tayo... Pero 'wag mong ilalagay sa isip mo na higitan ang nakaraan... Kasi mas higit ka sa kanya. Kasi ang kasalukuyan ang mas malapit sa hinaharap.

At ngayon masaya ako dahil hindi na ako kayang daigin ng nakaraan niya. Sana ganyan din ang maramdaman mo kung pareho tayo ng sitwasyon. Huwag mong hanapin ang kulang kung sa palagay mo meron, ang mahalaga mahal mo siya at nararamdaman mong mahal ka niya. Pero kung nag-iisa ka na lang, malaya ka namang makakalabas sa kulungan ng pag-ibig, dahil kung ikukulong mo ang sarili mo sa mga bagay na di na naghahatid ng ligaya sau, ang tawag don obsesyon, hindi na pag-ibig yon.

Sa mga nagmamahal sa kasalukuyan, uulitin ko 'wag nating higitan ang nakaraan...
kasi mas totoo tayo sa lumipas na...

Tuesday, December 8, 2009

WAKAS...


Umiihip ang hangin
nagbibigay ng kakaibang lamig...
tila ba ang nakapangingilabot nitong dampi
ay unti-unting nagiging init
na sumusuot sa sentido ng aking kalamnan
Hahatulan ang mga walang alam
sa karunungang pipiliting matuklasan
habang ang iba'y maghihintay
na di na muli masilayan
ang sinag ng araw na sisikat sa silanganan
Aapaw ang galit ngunit di makakahibik
sapagakat sa mga bagang magtatangis
ang hirap na hahagupit sa sangkatauhang
mangmang sa pagtuklas ng kapayapaan!

Our Own Version nowadys... bow:)


Sa ngayon usong-uso sa ating "primetime TV" ang mga adaptation ng mga sikat na TV series from Korea, Mexico,Argentina, etc., Ang iba naman ay adaptation ng mga klasikong "pinoy movies" na ire-remake as TV series na mas kilala sa tawag na "Sine Nobela" Ang paraan, uulitin ang istorya na swak sa timpla ng mga pinoy viewers, ang mga klasikong karakter tulad na lamang ni Marimar at Sergio ng Mexican series na "Marimar",ni Jodi at Cholo ng sikat na Korean Series na Stairway to Heaven, - napapanood na natin sila sa katauhan ng sarili nating mga artista.

Kung ikukumpara marami na sa atin ang nakakaalam ng mga "repeated dramas' na ito. Ang kaabang-abang na lamang dito ay kung paano ito mabibigyan ng hustisya ng mga nagsisiganap, ng mga scriptwriter, mga direktor, ang pag-uulit ng mga nagamit ng piyesa. Kung oobserbahan, nababago ng kaunti ang istorya kapag ginawa na ito sa pinoy version, may mga nagsasabing mas maganda daw ang pagre-remake, may maga nagsasabi namang di daw nabibigyan ng hustisya ang pag-ulit bagkus ay nasira pa nito ang ginawang pag-uulit sa mga dati na paboritong drama.

May mga ilan naman na nag marka at naging matagumpay sa ginawang pagre-remake ng mga imported drama series na ito. Nabigyang ng kakaibang kulay at muling napukaw nito ang puso ng mga pinoy viewers, ang iba nga ay nagsilbing behikulo para ilunsad sa "stardom" ang mga nagsiganap na artista. Pero ayon sa mga kritiko hindi naman daw natin kailangan ang mag "remake" na ng mga lumang piyesa nang teleserye.May mga pananaw ang aking sinasang ayunan. Sa lalim ng ating kultura at karanasan hindi ako naniniwalang mauubusan tayo ng magagandang istorya na puwede nating ihain sa telebisyon. Mas maaari pa ngang mas maganda, mga istoryang magpapakita sa karanasan nating lahat bilang mga Pilipino. Mga istoryang magpapakita ng yaman ng kultura nating mga pilipino.

Sunday, December 6, 2009

Bayaning 3rd World


Ang bansa natin ay dumanas na ng napakaraming pagsubok kamakailan lamang. ang sabi nga ay bugbog na tayo sa sari-saring hamon ng buhay. Pero sa kabila ng lahat bumabangon tayong mga Pilipino kung saan tayo nadadapa. Sumasabay tayo sa ihip ng hangin patungo sa pag-asa. Pero sa mga nakaraang araw naghahnap ata si "Juan dela Cruz" ng inspirasyon at munting kuwento ng pag-asa.

Si Efren Peñaflorida Jr, tinanghal na "CNN Hero of the Year" isang Pilipino na nagpakita na walang tatalo sa puso ng isang bolunterismo. Kilala sa tawag na "Kuya EF", si Efren kasama ang kanyang "Dynamic Team Company (DTC) ay tumutulong sa mga kabataang pinoy na "out of school youth" na makapag-aral sa munti at mas makahulugang pamamaraan, ang kanyang "Pushcart Classes". Gamit ang "Pushcart o Kariton" nililibot nila ang iba't ibang sulok ng Metro Manila, ang kariton ang nagsisilbing paaralan ng mga kabataang pinoy na hindi nabigyan ng karapatan na makapag-aral.

Mula sa 9,000 na nominado mula sa humigit kumulang na 100 bansa, ang Blue Ribbon Panel ng CNN ang pumili kay Peñaflorida na maging isa sa 28 na bayani ng taong 2009. At noong ika-22 ng Nobyembre taong 2009, hinirang si Peñaflorida bilang "CNN Hero of the Year" ng 2009 kasama dito ang pagkakaloob ng $100,000 para maipagpatuloy ni Peñaflorida at ng kanyang Dynamic Team Company ang pagtulong sa mga kapus-palad nating kabataan na sa kahit papaano ay magkaroon ng mabuting edukasyon.

Si Efren Peñaflorida Jr, ay bayani ng ating makabgong panahon, hindi siya natakot na iparating sa atin ang mga pagbabago, ang pagtulong ng walang inaasahang kapalit. Naipakita niya sa atin na sa maliit o malaki mang paraan may magagawa tayo.

Wednesday, December 2, 2009

PAGBABALIK


Patuloy na iikot ang mundo
magsasayaw ang karamihan sa tagumpay
habang ang iba'y magpapaalam sa
kalungkutan at kapighatian
Kung lumimot man ang langit
sa dasal mong hinihikbi ng damdaming
nagtatapat sa bisa ng pag-ibig
pag-asa'y makakamit sa paghihintay
at pagbabalik!

Umasa ka sa pagbabalik dahil di ito
malilimot ng pag-ibig!

ALAB


Magpapatuloy ang buhay sa pagikot
habang ang iba'y hanap ay pasikotsikot
mahuhulog ang damdamin sa kaluwalhatian
sa pagpapaalam at pasinaya ng kaguluhan
Kung sakali mang lumimot sa nakaraan
ang tatandaa'y muli kang masisilayan
sa pusong naglalakabay sa malinis
at karangalan, di mapipigilang mapagtagumpayan
kalungkutang sa lusak na nasisidlan
Babangon sabay-sabay sa damdaming makabayan
ibabalik ang dangal na minsang ng nayurakan!

Tuesday, December 1, 2009

ARROYO - Sa KAMARA ang biyahe sa 2010


Ngayong araw ay tuluyan nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Si Arroyo ay tatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Pampanga. Nogsimba muna ang Pangulo sa St. Augustine Parish Church sa Lubao, at pagkatpos ng misa ay nagpaunlak ng maikling talumpati ang Pangulo sa kanyang mga taga-suporta.

Si Ginang Arroyo ay sinamahan ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa opisina ng COMELEC sa San Fernando City, sa pagsumite nito ng kanyang COC.

Nagdulot ng sari-saring opinyon sa lahat ang ginawang hakbang ng Pangulo. May mga nagsasabing ang aksyong ginawa ng Pangulo ay para sa pansarili niyang kapakanan at pagiging ganid sa kapangyarihan. May mga nagsasabi namang ang layunin ng Pangulo ay para maipagpatuloy ang serbisyo publikong kanya ng nasimulan.