
Ang bansa natin ay dumanas na ng napakaraming pagsubok kamakailan lamang. ang sabi nga ay bugbog na tayo sa sari-saring hamon ng buhay. Pero sa kabila ng lahat bumabangon tayong mga Pilipino kung saan tayo nadadapa. Sumasabay tayo sa ihip ng hangin patungo sa pag-asa. Pero sa mga nakaraang araw naghahnap ata si "Juan dela Cruz" ng inspirasyon at munting kuwento ng pag-asa.
Si Efren Peñaflorida Jr, tinanghal na "CNN Hero of the Year" isang Pilipino na nagpakita na walang tatalo sa puso ng isang bolunterismo. Kilala sa tawag na "Kuya EF", si Efren kasama ang kanyang "Dynamic Team Company (DTC) ay tumutulong sa mga kabataang pinoy na "out of school youth" na makapag-aral sa munti at mas makahulugang pamamaraan, ang kanyang "Pushcart Classes". Gamit ang "Pushcart o Kariton" nililibot nila ang iba't ibang sulok ng Metro Manila, ang kariton ang nagsisilbing paaralan ng mga kabataang pinoy na hindi nabigyan ng karapatan na makapag-aral.
Mula sa 9,000 na nominado mula sa humigit kumulang na 100 bansa, ang Blue Ribbon Panel ng CNN ang pumili kay Peñaflorida na maging isa sa 28 na bayani ng taong 2009. At noong ika-22 ng Nobyembre taong 2009, hinirang si Peñaflorida bilang "CNN Hero of the Year" ng 2009 kasama dito ang pagkakaloob ng $100,000 para maipagpatuloy ni Peñaflorida at ng kanyang Dynamic Team Company ang pagtulong sa mga kapus-palad nating kabataan na sa kahit papaano ay magkaroon ng mabuting edukasyon.
Si Efren Peñaflorida Jr, ay bayani ng ating makabgong panahon, hindi siya natakot na iparating sa atin ang mga pagbabago, ang pagtulong ng walang inaasahang kapalit. Naipakita niya sa atin na sa maliit o malaki mang paraan may magagawa tayo.
No comments:
Post a Comment