
Sa ngayon usong-uso sa ating "primetime TV" ang mga adaptation ng mga sikat na TV series from Korea, Mexico,Argentina, etc., Ang iba naman ay adaptation ng mga klasikong "pinoy movies" na ire-remake as TV series na mas kilala sa tawag na "Sine Nobela" Ang paraan, uulitin ang istorya na swak sa timpla ng mga pinoy viewers, ang mga klasikong karakter tulad na lamang ni Marimar at Sergio ng Mexican series na "Marimar",ni Jodi at Cholo ng sikat na Korean Series na Stairway to Heaven, - napapanood na natin sila sa katauhan ng sarili nating mga artista.
Kung ikukumpara marami na sa atin ang nakakaalam ng mga "repeated dramas' na ito. Ang kaabang-abang na lamang dito ay kung paano ito mabibigyan ng hustisya ng mga nagsisiganap, ng mga scriptwriter, mga direktor, ang pag-uulit ng mga nagamit ng piyesa. Kung oobserbahan, nababago ng kaunti ang istorya kapag ginawa na ito sa pinoy version, may mga nagsasabing mas maganda daw ang pagre-remake, may maga nagsasabi namang di daw nabibigyan ng hustisya ang pag-ulit bagkus ay nasira pa nito ang ginawang pag-uulit sa mga dati na paboritong drama.
May mga ilan naman na nag marka at naging matagumpay sa ginawang pagre-remake ng mga imported drama series na ito. Nabigyang ng kakaibang kulay at muling napukaw nito ang puso ng mga pinoy viewers, ang iba nga ay nagsilbing behikulo para ilunsad sa "stardom" ang mga nagsiganap na artista. Pero ayon sa mga kritiko hindi naman daw natin kailangan ang mag "remake" na ng mga lumang piyesa nang teleserye.May mga pananaw ang aking sinasang ayunan. Sa lalim ng ating kultura at karanasan hindi ako naniniwalang mauubusan tayo ng magagandang istorya na puwede nating ihain sa telebisyon. Mas maaari pa ngang mas maganda, mga istoryang magpapakita sa karanasan nating lahat bilang mga Pilipino. Mga istoryang magpapakita ng yaman ng kultura nating mga pilipino.
No comments:
Post a Comment