
Minsan may mga panahon na para banag nakakapagod na o nakakasawa na ang paulit-ulit na takbo ng buhay. Gigising ng maaga sa umaga mag-aalmusal o kung minsa'y nga ay wala ng almusal deretso na ang pagsakay sa bus - trapik naman. Makikipagbunuan para makapasok ng maayos sa MRT - sandwich naman sa siksikan.
Pagdating sa opisina nakatambak na ang di matapos tapos na mga reports na di mo naman alam kung saan napupunta, di ba? May feedback ka bang nakukuha kung san' ang mga ito napupunta? Ako mismo hindi ko alam... ginagawa ko na lang ng buong husay. At pagkatapos nito... babalik na sa bahay... ngunit habang nasa daan giyera na naman... sa trapik... Hay nakakapagod nga talaga.
Pero para sa akin noon 'yon. Kasi mula ng dumating siya sa buhay ko nawala ang pagod ko. Di na alintana kung ano ang nadarama, basta ang mahalaga makita ko siya. Kahit takbuhin ko ang EDSA, basta mahalaga makita siya at masaya kaming magkasama.
Kasi makulay ang buhay kapag nasa piling niya. Totoo ang mga ngiti, tunay ang saya, presko sa pakiramadam ang pagniniig ng mga katawan, kahit na simpleng 'holding hands" lang. Sa ganong bagay napagbibigyan ang kalayaan ng pagmamahal... kung paano ito nagiging totoo sa pisikal na pamamaraan. Madaling sabihin na mahal kita, pero madali bang ipadama? Madaling sabihin ikaw ang mundo ko.. pero napakita mo ba sa kanya ang mundong sinasabi mo?
Pero ang alam ko mahal ko siya... at sa mga darating pang panahon, saan man ako dalhin ng mundo... gusto ko siya pa din ang mahal ko. Kasi minsan lang dumating ang ganitong mga pagkakataon... kung paano magmahal ng totoo. Lilipas ang mga araw, may mga panahong babalikan ka pa ng nakaraan, pero hamon lang naman ito sa mga tunay na nagmamahalan. Kung masaktan? Ano ngayon parte lang ito ng nagmamahal. Ang mahalaga alam mo sa sarili mo na di ka nagkukulang, nagtatapat ka lang sa nararamdaman. Alam din naman niya 'yon kung bakit ka nagkakaganyan. Minsan kasi kung minsan gusto natin daigin ang nakaraan.. pero ang totoo di natin kayang higitan 'yon.. kasi parte na lang 'yon ng nakaraan suwertehan n lang kung maibabalik pa ang lumipas na. Kaya 'wag matakot kung mas higit ang nakaraan niya sa iyo. Ang mahalaga sa ngayon ikaw ang kasama niya. Ikaw ang sandalan niya, ikaw ang karamay niya, ikaw ang kasama niya sa bawat tagumpay, kung talo ka naman asahan mo kasama mo siya para ibangon ka. Kasi ang ganyan magmahal ang kasalukuyan, kaya ang kasalukuyan huwag mo hahayaang maging parte ng nakaraan. Kung ikinukumpara ka man niya sa nakaraan, hindi ibig sabihin non na hindi siya masaya sa iyo. Gusto niya lang ikuwento sa iyo ang masasayang araw na kapiling niya ang isang nakaraan. Pero kung minsan inaalipin tayo ng selos... Natural lang 'yon.. kasi nagmamahal tayo... Pero 'wag mong ilalagay sa isip mo na higitan ang nakaraan... Kasi mas higit ka sa kanya. Kasi ang kasalukuyan ang mas malapit sa hinaharap.
At ngayon masaya ako dahil hindi na ako kayang daigin ng nakaraan niya. Sana ganyan din ang maramdaman mo kung pareho tayo ng sitwasyon. Huwag mong hanapin ang kulang kung sa palagay mo meron, ang mahalaga mahal mo siya at nararamdaman mong mahal ka niya. Pero kung nag-iisa ka na lang, malaya ka namang makakalabas sa kulungan ng pag-ibig, dahil kung ikukulong mo ang sarili mo sa mga bagay na di na naghahatid ng ligaya sau, ang tawag don obsesyon, hindi na pag-ibig yon.
Sa mga nagmamahal sa kasalukuyan, uulitin ko 'wag nating higitan ang nakaraan...
kasi mas totoo tayo sa lumipas na...
No comments:
Post a Comment