Ganap na alas-otso ng umaga ay dumako na kami sa lugar na pagdarausan ng halalan sa aming baranggay. Ngayong araw magaganap ang kauna-unahang Automated Election sa ating bansa. Isa isa na naming hinanap sa kung saan presinto o cluster kami boboto. Ang aking mga magulang ay madaling naidaos ang pagboto dahil nga sila ay senior citizens hindi na nila kailangan pang dumaan sa anumang pila.
Ang unang hakbang hanapin ang iyong presinto o cluster kung saan ka boboto, at kapag nakita na ay humingi ng numero hintaying tawagin ang iyong numero bago makapasok at maisagawa ang pagboto. May mga aberya akong nasaksihan, dahil nung una kami ay pinapila muna at din a daw susundin ang “numbering system”. Hangang sa lumaon ay may mga nagreklamong mga botante na hindi ito patas dahil iniwan nila ang kanilang pila sa pag-aakalang tatawagin ang kanilang mga hawak na numero. Ito sa tingin ko ang nagpalala sa sitwasyon at nagpahayag ng kawalang sistema.
11:00 na ng umaga ng matapos akong maka-boto, pasalamat na lang na ang presintong kinabibilanagn ko ay di nakaranas sa mga oras na iyon ng anumang aberya. Pero ang consistent lang ay ang mga nag-iinit ng ulo ng mga iba pang botanteng naghihintay na makaboto na. Malaking tulong din ang halalang ito sa ating mga street vendors, dahil isa sila malamang sa may malaking kinita ngayong araw, dahil sa marami nga ang nainip sa paghihintay sa linya, ang iba nating mga botante ay idinaaan muna sa pagkain ang kanilang paghihintay.
Sa kabila ng hirap at sakripisyo ng bawat Pilipinong boboto sa araw na ito ay manipestasyon lamang sa pagbabagong hinahangad at minimithing pangarap ng bawat iisang Pilipino. Tandaan na ang iisang mong boto ay ang bubuo sa kapalarang ng bayang ito. Sa ngayon na ang Pilipinas ay muling tatawid sa sangang-daan ng kasaysayan, muli nating patunayan ang magagawa ng kapangyarihan ng nag iisa nating boto.
Ang mga larawan sa itaas ay kuha sa mga kaganapan kaninang umaga sa aking ginawang pagboto.
No comments:
Post a Comment