Nung nasa kolehiyo ako wala akong kasing lalim, aaminin ko isa akong babasaging wirdo. Halos lahat napapansin ko at naiisip ko, nagtatanong na bakit may ganyan at may ganito? bakit mas maraming mahirap kesa sa mayaman? bakit mas panget ang maitim? at ubod naman ng ganda ang maputi? Bakit laging trapik sa araw-araw kong pagbiyahe? At bakit tumataas ang tuition fee taon-taon? Naitanong ko din ng mga panahong iyon kung ano ba ang kahulugan ng buhay? Totoo nga bang kailangan pa ng isang mgandang edukasyon para maging maganda ang buhay? Bakit may mga tao na tulad ko na maraming tanong sa isipan o kung minsan tinatanong ko baka ako alng ang nag-iisip nito.
Pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo, ito na ang pinakamahirap na panahon sa akin, dumating na ang panahon na pati sarili kong kakayahan kinukuwestiyon ko, pinagdudahan ko pa ang sarili ko at nagtanong na siguro nga bobo lang talaga ko kaya di ko nagawa ang talagang gusto kong gawin sa buhay. Pero kapag iniisip ko na lang sa ngayon, parang wala na lang, ang lahat ay isang magandang karanasan. Ang karanasang pumili, tangapin ang katotohanang hindi lahat ng bagay ay naaayon sa iyo, na ang kapalaran ay puwedeng subukan pero hindi kayang pigilan. At minsan isang araw ng mapadaan ako sa Manila City Hall, nagbalik ang alaala ng aking college days, muling bumalik ang mga katanungan sa isip ko, na bakit hangang ngayon trapik pa din sa labas nito? Naisip ko din ang bulag na kumakanta gabi-gabi sa labas ng SM Manila, na halos maubos ang oras ko sa kakapanood sa kanya, na kahit ang huling barya sa aking ibulsa ay ibibigay ko pa dahil sa aking labis na paghanaga.
Kay ganda ng buhay ito lang ang aking nabatid. Kay ganda ng buhay ang siyang kasagutan sa aking mga tanong. Maaaring nagtatanong pa din ako at maaaring wala ng kasagutan sa mga katanungang ito, pero isa lang ang aaminin ko kay sarap ng buhay kahit na kung minsan nilalaro ka nito. Kay sarap mabuhay kung alam mong magmahal at alam mong may nagmamahal sa iyo. Ito in ang dahilan kung bawat nababawasan na ang mga tanong sa isipan ko, inaalis ng pagmamahal sa sarili ang lahat ng duda at di kasiguraduhan, ang kailangan lang magtiwala sa Maykapal, na sa bawat sandaling hatid ng bukas, sa bawat bagyong hatid nito, palaging may bahagharing naghihintay.
-si ryan sa mga panahong ninanamnam ang katahimikan!
Sunday, April 17, 2011
Tagos sa Laman
Pumapatak na ang ulan sa ilalim ng mainit na araw
tila ba nagngangalit dumampi sa balat ng sino man
Lumalakas ang hangin at para bang naghahamon ng away
ngunit umiihip naman ang kapayapaan sa natatanging lugar
Naglalakad papalayo bitibit ang inaasam
Na sana'y marating ang kaduluduluhang sakdal
At kapag tumagos sa pintig at ngitngit ng sino man
Sino pang pipigil sa damdaming ng isang matapang
Nangangatal sa mga gagamiting salita
Kinakabahan sa bawat kilos at gawa
Tila ba isang ibon na walang humpay sa paglipad
Kay tayog ng lipad animo'y nagngangalit sa galak
At dumating din ang araw ng kapayapaan
Na ang lahat ay handa ng matubos sa karimlan
Sa pag-asang hatid ng bukas muli ng masisilayan
Tila ba isang birheng kay linis na sadyang kinapapanabikan

Sunday, April 10, 2011
isang personal na ako!
Minsan may nagtanong sa akin, dahil sabi nila ikaw napakamasayahin mo, parang wala kang iniisip na problema, parang ang gaan-gaan ng lahat sa iyo, sa pagkakatanda mo, kelan ka huling umiyak. Ang sagot ko, sa totoo lang madalas, emosyonal akong tao, may mga bagay na madali akong ma-touch ika nga, kapag may kaibigan akong matagal ko ng di nakikita at bigla kong nakita ayun don naiiyak ako, kapag nakakapanood ako ng mga dokumentaryo na tumatalakay sa kawalang katarungan at di patas na trato sa mga nasa maliliit na sektor ng lipunan, isa pa yon naiiyak ako don. Sa mga magandang musika, sa mga alaala ng kabataan ko, sa mga alaala nung ang buhay ay simple at di pa kumplikado, ito yung mga bagay na nakapag-papaiyak sa akin.
Kapag minsan sobrang pagod na ko naiiyak din ako, may mga panahon na gusto ko lang mahiga, mag-isip, isayaw ang aking gunita ng mga kuwento at tula. :)
Kapag minsan sobrang pagod na ko naiiyak din ako, may mga panahon na gusto ko lang mahiga, mag-isip, isayaw ang aking gunita ng mga kuwento at tula. :)
Saturday, April 9, 2011
Ikaw lang

Sa sandaling iniisip
ng puso kong umiibig
ako'y naliligalig
kung wala ka irog
sa aking mga bisig
Ako'y maligaya
sa tuwing ika'y kasama
oras ay di alintana
sa mga sandaling
kalambingan ka
Kundi rin lang ikaw
makakasama habang-buhay
mabuti pang humimlay
habang kasalo ka
sa kaligayahan
Ikaw na sana
ang lagi kong kasama
dahil di makakaya
kung mawawala ka pa
Dahil ikaw lamang
ang laman lagi ng
Puso kong aba!
-sa mga panahong inlababo ako
Thursday, April 7, 2011
Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw.

Nakuha ang atensyon ko sa isang Facebook status ng isang kaibigan ang sabi niya "Walang taong magkatulad at walang love story na magkaparehas." Pero ang sa isip ko meron... magkakagaya lang ang mga love story, may masaya ang wakas, meron din naman mala-trahedya ang ending. Ang magkakaiba siguro ay ang tao at kung paano nila nilalapat ang pag-ibig, pero ang isang love story, paikot-ikutin mo man, love story pa din yan, at sa huli tutuklasin nito ano ka nga ba pag-ibig?
May kanya-kanya tayong love story na kung minsan kapag iniisip na lang natin napapangiti tayo, kinikilig-kilig at sumusundot-sundot sa damdamin. May mga pagkakataon pa ngang may mga love story na parang eto na this is it na talaga, pero ang ending kasawian pa din. Hay, kay hiwaga ng pag-ibig, kay hiwaga nito na kung minsan kay sarap na lang maramdaman ang ligaya at kalungkutan dulot nito.
Sabi nila sa pag-ibig nagsisimula at nagwawakas ang lahat, tulad ng pag-ibig ng Dios sa sanlibutan, na di nga ba't sa simula ay pinagkaloob niya ang kanyang bugtong na anak na si Hesukristo para matubos tayo sa ating mga kasalanan, at sa huli ay wawakasan din ng Dios ang mundo hindi dahil sa galit niya, kundi dahil sa kanyang di mapapantayang pag-ibig at hustisya sa sangkatauhan at yan ay bunga ng kanyang pag-ibig.
Pag-ibig kay lalim mo naman, sa madalas o minsan ika'y nararamdaman pero bakit kung minsa'y kay hirap mong maintindihan. Hay Pag-ibig magkakaiba nga ba ang ang ayos mo at porma, pero bakit kahit ano mang-uri ang ihatid mo tila ba hindi ka nakakapagod madama, at laging ligaya at pananabik ang hatid mo sa bawat taong umiibig.
Pero para sa akin ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw. At para sa akin ito pa din ang pinakamagandang kahulugan ng pag-ibig:
Love is patient and kind and is not jealous; love does not brag and is not arrogant, does not act unbecomingly; it does not seek its own, is not provoked, does not take into account a wrong suffered, does not rejoice in unrighteousness, but rejoices with the truth; bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things.
-ryan!
Tuesday, April 5, 2011
Payo sa Isang Kaibigan

Minsan naisip mo na ba na para kang nilalaro ng buhay, paikot-ikot, pasikot-sikot, wala naman patutunguhan, minsan sa madalas di mo na alam kung saan ka tututngo sa paano'y wala ka ng lakas para ipaglaban pa ang dapat, pero di sapat ang sumuko, ang mahalaga lumaban kung ano man ang hatid sa atin ng buhay.
Ang mga pagsubok, yan naman talaga ang nagpapakulay ng buhay natin, hindi naman kaya nakakainip kung parati na lang deresto ang landas na tatahakin?, Minsan kailangan nating dumaan sa kurbado at bako bakong landas, dahil sa ganitong mga paraan malalaman natin kung gaano tayo katatag. Kapag humahampas ang malalakas na hangin, kaya ba natin tumayo? kaya ba natin maging matatag sa anomang bagyo na darating sa ating buhay?
Kung ang pag-aalinlangan ang siya mong nararamdaman, maaaring nag-iisip ka lamang, hindi kahinaan ang mag-alinlangan, ito ay nagpapahayag ng kasiguraduhan, na sa mga susunod na araw, pinapaalaala nito na dapat ka ng maging handa sa bawat hamon ng buhay. Hindi naman sinasabi na lagi kang maging matatag, hindi sinasabing kahinaan ang lumuha, dahil sa ganitong mga damdamin pinapanday ang pagkatao mo, at tao ka lang na may damdamin ding nasasaktan, pero ang higit sa lahat, pagkatapos ng sakit bumabangon tayo, nananabik tayong harapin kung ano man ang hatid ng bukas. Ang mahalaga malaman natin kung saan landas tayo hihinto, at pumili ng bagong daan na lalakaran upang magpatuloy sa nakakapagod ng takbo ng buhay dito sa magulong sanlibutan.
-ryan (sa mga panahong bagong gising lamang)
Sunday, April 3, 2011
Si Raul sa kanyang JOB INTERVIEW

Umaga na naman maglalakbay muli ang diwa sa di maawat ng galaw ng buhay. Alas-10 na nga tila hindi na makapaghihintay ang oras, hinihintay na ako ng mga sandaling ang nais mo na lang ay pigilan ang oras sa pagtiktak nito. Hay naku ano nga ba ang naghihintay sa dako ng kamalayan? May tagumpay pa bang naghihintay kung ang dadatnan ko ay ang galaw ng kasawian?
Nakita ko na naman sila sa waiting shed, haist' makapag-sigarilyo nga muna. Nagmumunimuni habang ninamnam ang hatid ng kakaibang ligaya ng sigarilyo sa puso kong naghihintay. Ganon pa din ang araw, tila kagaya din sa nakaraan nagbabakasakali na sa araw na ito makamit ko na ang tagumpay.
Siksikan sa bus, punyetang yan nagtaas na naman pala ang pamasahe, kapag nahulugan pa ako ng piso malamang di na ako makabalik pauwi."Dios ko, sana matangap na ako sa trabahong ito ang hirap na tumambay, tinataasan na ako ng kilay ng aking nanay", napapangiti na lamang ako sa mga sandaling naaalala ko ang aking nanay na naiirita na sa akin.
Matapos ang humigit kulang dalawang oras ay narating ko na ang building sa Ortigas, "wow kay garang building naman nito, sa 36th floor pa ang tungo ko, ang taas naman nito" Pagdating ko ng 36th floor ay agad akong dumiretso sa receptionist para ibigay ang resume ko at ang oras ng schedule ng aking interview, sinabihan ako ng receptionist na maghintay dito sa lobby at hintayin na tawagin ang pangalan ko. Hay kay dami naming nag-aapply ng trabaho, halos sa tingin ko ang lahat ay fresh graduate katulad ko. Marso ng ako ay magtapos pero malapit na mag Disyembre nakatambay pa din ako.
"Raul Enriquez, Raul Enriquez - please proceed to interview room number 2."
At tinawag na nga ang pangalan ko, agad naman akong tumayo at sumunod, may nerbiyos pa ba ako? Parang wala na dahil handa na din naman ako sa resultang "we will just give you a call after doing a further assessment of your application, thank you". Natatawa na naman ako.
"Mr. Enriquez, I'am Diana Sandoval, I will be your recruitment officer, take a seat"
"Good afternoon Ma'am"
"Mr. Enriquez, Can you tell me something about you which is not mentioned in your resume?
Naglalaro na naman sa isip ko ang tanong na ito ilang libong beses na nga bang naitanong sa akin ito, well. Handa na ang script sa isip ko.
"Well, on a lighter note I am a very fun loving person, I enjoyed every moment of my life. I am an artist by heart, I like poetry so much, that i can even write 5 poems per day" (ha? totoo ba itong nasasabi ko? Mukhang nabola ko naman ang gaga!)
"That's quite interesting Mr. Enriquez, huh" However,I'd like to ask you what is your ideal career?
"(Hala - ito na ang mga tanong na malamang maligwak na naman ako! wait compose... compose... compose... eye to eye contact... tandaan ang notes and script...)
"I have no work experience yet ma'am, I graduted last March, and until now I am still looking for a job. I went in this interview to really get the job offer ma'am. This is not a matter for me of what would be my ideal career as of now, but its a matter of gaining experience and building up a good career in this company in case if i'll be hired. (uhhmm clap, clap, clap, mukhand nakita naman niya ang sinseridad ko)
"Mr. Enriquez, are you willing to work in a graveyard shift, even extending long hours, and even during weekends and holidays?
"(magpapaka plastic na lang ako kahit ayoko talaga.. yes pa din ang sagot ko!)
"That would not be a problem ma'am."
Ang dami pang tanong ang ibinato sa akin na alam ko naman na kung paano sasagutin, sa dami ba naman ng interview session na napuntahan ko, paulit-ulit lang ang tanong. Ngayon dumako na tayo sa pinaka-klasikong tanong sa isang interview ang final question:
"ok last question Mr. Enriquez, Where do you want to be in 5 years?"
"(eto na ang mga tanong na ika nga ay pang Ms. Universe, wait lang kakabugin ko ito, reding-redi ang script ko dito)"
"I would like to be frank. Judge me from the work and I am sure you will put me
right where I want to be." (oh di ba prangka)
"Ok Mr. Enriquez, i will endorse you for your product training on Monday be here at 3pm, All you need to do is to pass the product training and you may start working with us. Congratulations for now".
Ito na nga tagumpay, magsisimula na ang karera ko bilang isang call center agent, ang usong hanapbuhay sa kasalukuyan. Matutuwa ang nanay ko nito pag-uwi ko sa bahay! Sandali lang parang may nakalimutan ata akong tanungin, magkano kaya ang sahod? Haist di na muna impotante kung magkano ang sasahurin ang mahalga ay makapagtrabaho na at makatulong sa gastusin ng pamilya. Sa ganitong panahon pa naman ng kakapusan, dahil sa di maitatangging topak ng ekonomiya ng bansa at sistema ng gobyerno na pulos pamumulitika at walang konkretong solusyon kung paano maiaangat ang buhay ng nasasakupan niya, kung saan ang ang kahirapan ay patuloy na lumalaganap, kabilang ang pagtaas pa ng bilang ng walang hanap-buhay, may oras pa bang mamili ako?
-ryan!
BAKA SAKALI
Sa lungkot ng saliw ng musika
ibubuhos ko ang luhang nalalanta
sa paano ang puso ay puno ng kaba
mukhang di na makakaahon pa
Kung may lungkot sa aking mata
maaari bang itago mo na
dahil baka di mapigilan
hanapin ka ng puso kong aba
Titingin na lang sa mga wakas
dahil wala naman talagang simula
kung di alintana ingiti na lang
ang damdaming kong parating naghihintay
Sa gabing ito'y di na ko titingin
makikinig na lamang sa tiktik ng orasan
na baka sakaling sa kinabukasan
akin ka nang mahagkan...
ibubuhos ko ang luhang nalalanta
sa paano ang puso ay puno ng kaba
mukhang di na makakaahon pa
Kung may lungkot sa aking mata
maaari bang itago mo na
dahil baka di mapigilan
hanapin ka ng puso kong aba
Titingin na lang sa mga wakas
dahil wala naman talagang simula
kung di alintana ingiti na lang
ang damdaming kong parating naghihintay
Sa gabing ito'y di na ko titingin
makikinig na lamang sa tiktik ng orasan
na baka sakaling sa kinabukasan
akin ka nang mahagkan...
Friday, April 1, 2011
SUNDO
Sa di mawari ay aking narinig
Ang isang awit ng pag-ibig
Tila ba ang puso'y naiidlip
Sa di matahimik na bayo ng pag-ibig
At bumuhos sa tanikala ang aking hikbi
Nagsusumamo sa kanyang pagbabalik
Ngunit landas niya'y mahirap ng mahagip
Sa pusong kong sawi wala na ang ngiti
Magpapaligoy ako sa hangin at karimlam
Sa panaghoy ng mga sigaw lalabas ang buwan
At magsasalo sa awit ng pag-ibig at hinagpis
Ako'y maghihintay sa muli mong pagbabalik
-ryan - sa panahong malapit ng ma late!

Si Ester at ang kanyang Graduation Day!
Maagang gumising si Ester, dahil ngayon ang araw na pinakahihintay niya, ang araw ng kanyang graduation. Kagabi pa'y hinanda na niya ang damit na kayang susuotin, magkahalong nerbiyos at galak ang kanyang nararamdaman, nagagalak dahil natapos na niya ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng buhay niya, at pangamba dahil di niya alam ang hatid ng bukas pagkatapos ng kanyang graduation day.
Maagang dumating si Ester kasama ang kanyang mga magulang sa PICC. Ganap na alas-9 ng umaga ay magsisimula ang tradisyunal na graduation march. Pumila na si Ester sa kanyang linya kasama ang kanyang Ina. Inutos na ng mga koordineytor na maghanda na ang mga magsisipagtapos dahil magsisimula na ang programa, ilang segundo lamang ay narinig na nila sa mikropono ang sigaw "Mga kaibigan salubungin natin ang pagpasok ng mga magsisipagtapos sa taong 2011", kasabay sa tugtog ng graduation march ay pumasok na ang mga magsisipagtapos. Ganon na lang ang kaligayahan ni Ester, at sa sobrang ligaya di niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha, nagbabalik-tanaw sa kanyang isipan ang hirap ng kanyang mga magulang upang matustusan ang kanyang edukasyon, at ang mga panahong halos gawin niyang umaga ang gabi sa pagsusunog ng kilay, naaalala din niya ang kanyang mga kaibigan, na pagkatapos ng graduation ay maaaring di niya muli pang makita, dahil isa-isa na nilang babagtasin ang toong anyo ng buhay sa paghubog ng kanya-kanya nilang kapalaran. Ngunit sa kabila ng pagpatak ng kanyang luha ay hindi maitatangi ang kaligayahang nararamdaman ni Ester, dahil nakamit na niya ang minimithing tagumpay.
Tulad ng nakasanayan na mahaba ang itinakbo ng programa dahil sa madaming bilang ng magsisipagtapos sa kanilang kolehiyo. Makalipas ang isang oras ay itinawag na ang mga magsisipagtapos sa kursong BS Economics, tinawag na ang kanyang pangalan - "Ester Magtibay - cum laude" pagdating sa entablado ay muling pumatak ang kanyang mga luha, ganon din ang masaganang luha ng kanyang ina, na sa mga panahong iyon ay di na rin mapipigilan ang ligayang nadarama sa tagumpay ng kanyang anak. Isinabit ng kanyang ina ang medalya kay Ester, at kasabay noon ang nakabibinging pagbati sa kanya ng "congratulations" mula sa kanyang mga kamag-aral, guro, at mga kaibigan.
At nagtapos na ang graduation ni Ester. Sa labas ay naghihintay naman ang kanyang tatay na isang taxi driver, na isinakripisyo muna ang isang araw ng paghahanap-buhay para samahan ang kanyang anak sa kanyang graduation, yun nga lamang ay hindi na pumasok ang kanyang tatay sa loob ng PICC dahil isang tiket lamang ang nabili ni Ester dahil sa mahal ng mga graduation fees, iyon naman ay naunawaan ng kanyang tatay, kaya nagtiyaga na lamang itong maghintay sa parking lot.
Bumiyahe na sila Ester pabalik ng kanilang tahanan, trapik sa kalsada kasabay pa ang init na hatid ng mataas na sikat ng araw. Halos ayaw gumalaw ng mga sasakyan, yun pala ay may nagaganap na kilos protesta, - protesta ng mga manggagawang nagsusulong ng umento sa pagtaas ng sahod, mga manggagawa sa lahat ng sektor ng lipunan, manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor. Natulala si Ester at napaisip. "Eto na nga ang totong mundo magmula ngayon, kung saan sangkot ka na". Dahil sa trapik at para mawala ang pagkainip binuksan naman ng kanyang tatay ang radyo, pumaimbabaw sa radyo ang usaping ng unemployment rate sa bansa, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pilipinong walang hanapbuhay dagdag pa ang di mapigil na paglaganap ng kahirapan. Muling napaisip si Ester "Ano nga bang naghihintay sa akin?, natatakot ako maging bahagi ng istatiska, malamang hindi lang ako mag-isa ang makikipag-agawan sa trabahong pipiliin ko".
Hindi namalayan ni Ester na nasapit na pala nila ang kanilang tahanan, pagpasok niya ng kanilang bahay ay bumungad sa kanya ang munting surpresa na inihanda ng kanyang mga kapatid at kamag-anak, isang kaunting salo-salo kasama ang kanyang mga mahal sa buhay upang ipagdiwang ang kanyang tagumpay.
Natapos ang buong maghapon at magdamag - Si Ester isang bagong kabataan bitbit ang tagumpay sa kanyang mga kamay. Kasalukuyan siyang nakatingin sa kawalan... nagtatanong, nag-iisip kung ano ang hatid ng bukas sa kanya. Maaaring ito nga ang bawat tanong ng isang kabataang nag-iisip sa kanyang kapalaran tuwing matatapos ang isang graduation. Hindi kaya ni Ester na balewalain ang mga isyung panlipunang kanyang nasasaksihan sa araw-araw, ano nga ba ang hatid ng bukas sa isang bansang unti-unti ay nagdidilim ang kapalaran, ano nga ba ang aasahan sa gobyernong inayawan na ng kumpiyansa ng kanyang mamamayan? At ano nga ba ang kapalarang hinihintay ng mga bagong gradweyt ng taong kasalukuyan?
Napaisip na lang ng malalim si Ester...

Subscribe to:
Comments (Atom)