
Umaga na naman maglalakbay muli ang diwa sa di maawat ng galaw ng buhay. Alas-10 na nga tila hindi na makapaghihintay ang oras, hinihintay na ako ng mga sandaling ang nais mo na lang ay pigilan ang oras sa pagtiktak nito. Hay naku ano nga ba ang naghihintay sa dako ng kamalayan? May tagumpay pa bang naghihintay kung ang dadatnan ko ay ang galaw ng kasawian?
Nakita ko na naman sila sa waiting shed, haist' makapag-sigarilyo nga muna. Nagmumunimuni habang ninamnam ang hatid ng kakaibang ligaya ng sigarilyo sa puso kong naghihintay. Ganon pa din ang araw, tila kagaya din sa nakaraan nagbabakasakali na sa araw na ito makamit ko na ang tagumpay.
Siksikan sa bus, punyetang yan nagtaas na naman pala ang pamasahe, kapag nahulugan pa ako ng piso malamang di na ako makabalik pauwi."Dios ko, sana matangap na ako sa trabahong ito ang hirap na tumambay, tinataasan na ako ng kilay ng aking nanay", napapangiti na lamang ako sa mga sandaling naaalala ko ang aking nanay na naiirita na sa akin.
Matapos ang humigit kulang dalawang oras ay narating ko na ang building sa Ortigas, "wow kay garang building naman nito, sa 36th floor pa ang tungo ko, ang taas naman nito" Pagdating ko ng 36th floor ay agad akong dumiretso sa receptionist para ibigay ang resume ko at ang oras ng schedule ng aking interview, sinabihan ako ng receptionist na maghintay dito sa lobby at hintayin na tawagin ang pangalan ko. Hay kay dami naming nag-aapply ng trabaho, halos sa tingin ko ang lahat ay fresh graduate katulad ko. Marso ng ako ay magtapos pero malapit na mag Disyembre nakatambay pa din ako.
"Raul Enriquez, Raul Enriquez - please proceed to interview room number 2."
At tinawag na nga ang pangalan ko, agad naman akong tumayo at sumunod, may nerbiyos pa ba ako? Parang wala na dahil handa na din naman ako sa resultang "we will just give you a call after doing a further assessment of your application, thank you". Natatawa na naman ako.
"Mr. Enriquez, I'am Diana Sandoval, I will be your recruitment officer, take a seat"
"Good afternoon Ma'am"
"Mr. Enriquez, Can you tell me something about you which is not mentioned in your resume?
Naglalaro na naman sa isip ko ang tanong na ito ilang libong beses na nga bang naitanong sa akin ito, well. Handa na ang script sa isip ko.
"Well, on a lighter note I am a very fun loving person, I enjoyed every moment of my life. I am an artist by heart, I like poetry so much, that i can even write 5 poems per day" (ha? totoo ba itong nasasabi ko? Mukhang nabola ko naman ang gaga!)
"That's quite interesting Mr. Enriquez, huh" However,I'd like to ask you what is your ideal career?
"(Hala - ito na ang mga tanong na malamang maligwak na naman ako! wait compose... compose... compose... eye to eye contact... tandaan ang notes and script...)
"I have no work experience yet ma'am, I graduted last March, and until now I am still looking for a job. I went in this interview to really get the job offer ma'am. This is not a matter for me of what would be my ideal career as of now, but its a matter of gaining experience and building up a good career in this company in case if i'll be hired. (uhhmm clap, clap, clap, mukhand nakita naman niya ang sinseridad ko)
"Mr. Enriquez, are you willing to work in a graveyard shift, even extending long hours, and even during weekends and holidays?
"(magpapaka plastic na lang ako kahit ayoko talaga.. yes pa din ang sagot ko!)
"That would not be a problem ma'am."
Ang dami pang tanong ang ibinato sa akin na alam ko naman na kung paano sasagutin, sa dami ba naman ng interview session na napuntahan ko, paulit-ulit lang ang tanong. Ngayon dumako na tayo sa pinaka-klasikong tanong sa isang interview ang final question:
"ok last question Mr. Enriquez, Where do you want to be in 5 years?"
"(eto na ang mga tanong na ika nga ay pang Ms. Universe, wait lang kakabugin ko ito, reding-redi ang script ko dito)"
"I would like to be frank. Judge me from the work and I am sure you will put me
right where I want to be." (oh di ba prangka)
"Ok Mr. Enriquez, i will endorse you for your product training on Monday be here at 3pm, All you need to do is to pass the product training and you may start working with us. Congratulations for now".
Ito na nga tagumpay, magsisimula na ang karera ko bilang isang call center agent, ang usong hanapbuhay sa kasalukuyan. Matutuwa ang nanay ko nito pag-uwi ko sa bahay! Sandali lang parang may nakalimutan ata akong tanungin, magkano kaya ang sahod? Haist di na muna impotante kung magkano ang sasahurin ang mahalga ay makapagtrabaho na at makatulong sa gastusin ng pamilya. Sa ganitong panahon pa naman ng kakapusan, dahil sa di maitatangging topak ng ekonomiya ng bansa at sistema ng gobyerno na pulos pamumulitika at walang konkretong solusyon kung paano maiaangat ang buhay ng nasasakupan niya, kung saan ang ang kahirapan ay patuloy na lumalaganap, kabilang ang pagtaas pa ng bilang ng walang hanap-buhay, may oras pa bang mamili ako?
-ryan!
No comments:
Post a Comment