
Minsan naisip mo na ba na para kang nilalaro ng buhay, paikot-ikot, pasikot-sikot, wala naman patutunguhan, minsan sa madalas di mo na alam kung saan ka tututngo sa paano'y wala ka ng lakas para ipaglaban pa ang dapat, pero di sapat ang sumuko, ang mahalaga lumaban kung ano man ang hatid sa atin ng buhay.
Ang mga pagsubok, yan naman talaga ang nagpapakulay ng buhay natin, hindi naman kaya nakakainip kung parati na lang deresto ang landas na tatahakin?, Minsan kailangan nating dumaan sa kurbado at bako bakong landas, dahil sa ganitong mga paraan malalaman natin kung gaano tayo katatag. Kapag humahampas ang malalakas na hangin, kaya ba natin tumayo? kaya ba natin maging matatag sa anomang bagyo na darating sa ating buhay?
Kung ang pag-aalinlangan ang siya mong nararamdaman, maaaring nag-iisip ka lamang, hindi kahinaan ang mag-alinlangan, ito ay nagpapahayag ng kasiguraduhan, na sa mga susunod na araw, pinapaalaala nito na dapat ka ng maging handa sa bawat hamon ng buhay. Hindi naman sinasabi na lagi kang maging matatag, hindi sinasabing kahinaan ang lumuha, dahil sa ganitong mga damdamin pinapanday ang pagkatao mo, at tao ka lang na may damdamin ding nasasaktan, pero ang higit sa lahat, pagkatapos ng sakit bumabangon tayo, nananabik tayong harapin kung ano man ang hatid ng bukas. Ang mahalaga malaman natin kung saan landas tayo hihinto, at pumili ng bagong daan na lalakaran upang magpatuloy sa nakakapagod ng takbo ng buhay dito sa magulong sanlibutan.
-ryan (sa mga panahong bagong gising lamang)
No comments:
Post a Comment